OK lang na hindi kasali 😊

Hindi Kasali? Okay Lang.


Alam mo yung feeling na hindi ka kasali?
Hindi invited, hindi kasama sa plano, hindi nabibigyan ng chance.
Ang sakit, kasi kahit anong effort mong ngumiti o magpaka-chill, ramdam mo pa rin na “outsider” ka.

Na-experience ko yan madalas. Yung tipong habang lahat busy sumasabay sa uso o nabibigyan ng opportunity, ikaw tahimik lang, nanonood mula sa gilid. At minsan mapapaisip ka—“baka wala talagang space para sa’kin.”

Pero eto yung twist: dun ko natutunan na kahit hindi ako sinasali, pwede pala akong gumawa ng sariling paraan para matuto. Hindi pala kailangan hintayin na i-include ka, kasi kaya mong mag-grow kahit mag-isa.


---

The Feeling of Being Left Out

Sakit talaga eh. Yung tipong lahat may group chat, pero ikaw wala. Lahat may lakad, pero hindi ka kasama. Lahat may recognition o opportunity, tapos ikaw nasa gilid lang, clap clap for others.

Doon pumapasok yung mga tanong sa utak mo: “Hindi ba ako enough? Wala ba akong kwenta? Bakit hindi ako napapansin?”
At once in a while, aabot ka sa point na halos sumuko ka na, kasi pakiramdam mo laging may kulang sa’yo.

Pero eto yung real talk: hindi porket hindi ka sinama, ibig sabihin wala kang value. Hindi lang siguro ikaw yung para sa moment na yun. At minsan, yung pagiging “hindi kasali” — yun pala yung push na kailangan mo para maghanap ng ibang daan.


---

The Turning Point

Dumating yung araw na napagod na lang ako sa kakahabol. Ang hirap kasi lagi kang nasa waiting mode—waiting na maisama, waiting na mapansin, waiting na bigyan ng chance. Pero habang naghihintay ako, napansin ko… wala talagang dumarating.

So naisip ko, “Eh paano kung ako na lang gumawa ng paraan?”

Hindi ako invited? Okay lang, maghahanap ako ng training para matuto.
Hindi ako kasama sa project? Fine, gagawa ako ng sariling mini-project.
Hindi ako binigyan ng opportunity? Gagawa ako ng opportunity para sa sarili ko.

At doon nagbago lahat. Bigla kong narealise na hindi pala required ang “yes” ng iba para magsimula ako. Ang kailangan ko lang pala ay sarili kong go signal.


---

Building Yourself Up

After that realization, doon ko sineryoso yung “sariling sikap.” Hindi ako naghintay na may mag-invite o mag-offer ng chance — ako mismo yung naghanap ng training na pwedeng atttendan. Doon ako natutong humabol, makinig, at magtanong hanggang sa ma-absorb ko yung basics at actual skills na kailangan.

Pero hindi doon natapos. Kahit may training na, pinush ko pa rin yung extra effort. Nagpupuyat ako para mag-review ng notes, mag-practice ulit, at i-apply yung natutunan sa totoong setup. Gumawa ako ng sariling homelabs gamit yung mga pinaglumaan na routers, PCs, at servers na halos itapon na ng iba. Minsan nakaka-frustrate kasi ang dami kong nasira—ilang beses akong nag-crash ng system, ilang beses nagloko yung setup. Pero bawat sablay, may natutunan ako.

Minsan naaalala ko pa yung isang gabi — 3AM na, lahat tulog na sa bahay, ako gising pa rin. Ilang oras na akong nakatitig sa screen kasi ayaw gumana ng setup. Ang daming beses pumalpak, parang gusto ko nang sukuan.

Pero imbes na sumuko, ginawa ko na lang tambakan ng mga luma kong routers, PCs, at servers. Isa-isa kong binuhay yung mga lumang hardware, ginawa kong parang mini data centre sa kwarto.

At nung gumana na rin sa wakas yung VM at containers na ginawa ko — ayon mismo sa requirements ng system na pinangako ko sa boss ko — ibang level ng saya. Hindi lang basta “working project” yun, kundi patunay na kahit walang VIP na resources, kaya kong buuin gamit lang ang diskarte, tiyaga, at mga gamit na halos pinabayaan na ng iba.


---

Sharing It Forward

Doon ko rin narealise na hindi pala natatapos sa sarili lang yung kwento. Oo, ang sarap sa feeling na nakabuo ako ng system na gumana. Pero mas fulfilling pala kapag yung natutunan ko, naibabahagi ko rin sa iba.

Naalala ko pa nga yung time na iniwan ako ng inakala kong mentor. Dapat tutulungan niya ako mag-setup ng EoC (Ethernet over Coax), FTTx, Mikrotik, at ISP setup. Ang ending? Bigla siyang nawala, iniwan kami sa ere. Ang sakit kasi umaasa ako, tapos biglang wala.

Pero hindi kami tumigil. Sabi ko sa mga kasama ko, “Sige, figure out na lang natin ‘to.” Kaya ayun — sama-sama kaming naghanap ng paraan. Nagkamali, nag-try ulit, hanggang sa unti-unti naming naayos. At sa tulong din ng iba pang mentors na dumating sa tamang panahon, natutunan namin yung mga bagay na akala namin imposible.

Doon ko mas naintindihan: hindi lahat ng “mentor” ay para habang buhay. Minsan iiwanan ka para matuto kang tumayo, at minsan darating yung tamang tao para turuan ka ng susunod na leksyon. At yung journey na yun, ngayon, gusto kong ibahagi sa iba — lalo na yung mga nakakaramdam ng parehong iniwan, o hindi kasali, o parang walang nagga-guide sa kanila.


---

Kaya kung nandun ka sa point ngayon na hindi ka sinasali, huwag mong isipin na katapusan na yun. Hindi ka invisible, hindi ka worthless. Minsan kailangan mo lang magpuyat, magkamali, magsira at mag-ayos ng system — para ma-prove sa sarili mo na kaya mo.

At kapag natutunan mo na, huwag mong kalimutan yung mga kagaya mong naiwan din. Kasi baka ikaw na yung kasunod na dahilan kung bakit sila maniniwala na kahit “hindi kasali,” pwede pa ring magtagumpay.




Comments

Popular posts from this blog

Suricata on Mikrotik(IDS+IPS) = Part 4 - Configuration of the IPS Part

Why upload comes first before download

Suricata on Mikrotik(IDS+IPS) = Part 3 - Configuration of the IDS Part