Three People That Truly Listened: An Open Letter
Para kina Uncle Tutut, Tata Fando, at kay Ninang Gigi, Paano na kaya? Ngayong wala na kayo, madalas kong maitanong sa sarili ko kung sino na ang natitirang makikinig sa akin katulad ng pakikinig ninyo. Sino na ang pwede kong pagkuwentuhan ng mga bagay na naiisip ko, ng mga random na ideas ko, at kahit ng maliliit na achievements na masaya akong ibahagi? May isang quote si Maya Angelou na nagsasabing, "People will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel." At sa tuwing naiisip ko ang quote na iyon, kayong tatlo agad ang naaalala ko. Hindi ko man maalala ang lahat ng mga napag-usapan natin o ang bawat pagkakataong nagkasama tayo, hinding-hindi ko makakalimutan kung paano ninyo ako pinaramdam. You made me feel that I mattered. Na may halaga ako. Na may lugar ako sa mundong ito. Pag kasama ko kayo, naramdaman kong nag-e-exist ako nang buo. Hindi ko kailangang magpanggap, mag-adjust, o baguhin ang sarili ko para lan...