Hindi Ko Alam Lahat Pero Sinikap Kong Alamin

Hindi Ko Alam Lahat Pero Sinikap Kong Alamin Alam mo yung feeling na kahit anong pilit mong intindihin, parang hindi pumapasok? Yung tipong habang lahat confident mag-discuss ng kung anu-anong jargon, ikaw tahimik lang kasi ayaw mong mapahiya sa tanong mong basic. Oo, ganun ako noon. Kapungutan. Mabagal. Madalas mahina sa mga bagay na technical. Maraming beses akong natahimik kahit gusto kong magtanong, kasi baka sabihan akong bobo. At nung minsan naglakas-loob akong magtanong, madalas ang sagot — “Google mo na lang yan.” Masakit, kasi gusto mo lang naman matuto. Pero kahit ilang beses akong ma-reject, hindi ako tumigil. Nagpatuloy akong magtanong, kahit minsan tahimik lang ang sagot, minsan iniiwasan pa. Hanggang sa dumating yung mga unexpected mentors — at mga kaibigang hindi ko inakalang magtitiwala sa’kin. Sila yung mga taong hindi nagtawa sa tanong ko, kundi tinuruan ako. Hindi nila ako tinrato bilang “mahina,” kundi bilang “gustong matuto.” At dahil doon, nagbago ang l...